|
...ang universe.
Kung anuman ang patutunguhan ng pagtitiwala ko sa'yo, bahala na. Sabi mo nga, hindi ka masamang tao. Alam ko naman yun, e. Sino ba ang masama para sa kanyang sarili? Siguro nga, patuloy na lang akong magpakasasa sa sayang dulot mo.
Dumating ka sa hindi inaasahang panahon. Habang kasama ko pa siya. Nang di pa natapos ang pagkurap ko, nawala na pala ang lahat ng mga hinangad ko. Hindi ko alam kung sasaluhin mo ako gaya ng sinabi mo, pero mananalig na rin ako. Malay ko. Bukas makalawa, malalaman ko rin.
Bahala na ang universe.
At para sa kanyang iniwan ko, isang awit ng pagluluksa.
Walang Hanggang Paalam Joey Ayala
Di ba tayo’y narito upang maging malaya At upang palayain ang iba Ako’y walang hinihiling Ika’y tila ganoon din sadya’y bigyang-laya ang isa’t-isa
Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam At habang magkalayo papalapit pa rin ang puso Kahit na magkahiwalay tayo ay magkasama Sa magkabilang dulo ng mundo
Ang bawat simula ay siya ring katapusan May patutunguhan ba ang ating pagsinta Sa biglang tingin kita’y walang kinabukasan Subalit di-malupig ang pag-asa
Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam At habang magkalayo papalapit pa rin ang puso Kahit na magkahiwalay tayo ay magkasama Sa magkabilang dulo ng mundo
Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam At habang magkalayo papalapit pa rin ang puso Kahit na magkahiwalay tayo ay magkasama Sa magkabilang dulo ng mundo Sa magkabilang dulo ng mundo
|