|
Pakshet. Sumobra ata ang lason ng McDo na kinain ko ngayong gabing ito. At umi-emo ako ng ganito. Huwaaaaaaaaaaaaaaaah. Kaw kasi e. Para ka kasing subconscious. Di maramdamang nararamdaman na pala. At anlakas ng impact. Parang utot na ibinuhos pagkatapos ng isang linggo. Siyet. Lam mo bang magmula nung isang gabi, pinag-aralan ko na sa gitara ang mga kantang pwede kong kantahin pag kaharap. Tapos, parang sa mga anime, me hearts-hearts pa na umi-epek sa dalawang mata tapos malalaking butil ng pawis na galing sa gilid ng patilya. Toink. Pero di nga, seryoso, pinag-aralan ko ang mga kanta. Pero hindi naman yung tipong luma-labstruck ako. Huwaw. Pero hindi. Epekto lang ito ng sobrang McDo. Sa kabilang banda, namimiss na kita Bolitas. Ikaw at ang mga pagkalunod mo. Alam mo bang ikaw lang ang tinawag kong Bolitas sa buong buhay ko? Namimiss na rin kitang balahurain e. Hoi, Palengkator. Namimiss ko na rin ang mga talak mo. Ikaw at ang iyong boses-kiking boses. Namimiss ko na ang mga "time check" mo. Ang mga kwento mong lablayp. At ang pagkabagot mo dahil sa maling gupit mo sa F Salon. Buwahhahahahahahhahahahahahhahahahahahhahahahhahahahahhahahahhaha. Klasik ka, Palengkates. Hoi, Pikoy, alipin ko. Ikaw, na omnipresent sa buong universe. Dahil kamukha mo si Pikoy, si Sir Campos at lahat ng mga mukhang adik at timawa sa buong Pilipinas, Malaysia, Indonesia, East Timor at Fiji. Pakyu ka Mimay. Ikaw lang ang tanging baboy sa buong mundo na nakakakurot ng utong ng walang mintis. Akala ko magiging masaya na ang lahat ng mga lalakeng binalahura mo, pero, nakakamiss ka pala. Ikaw at ang higante mong pagkatao. Wuy. Mag-audition ka sa American Idol next Season ha? Malay mo, ikaw na ang next Queen Latifa. Buwahhahahahhahahahahhahahahahahahhahahahhahahsahhahahahahhahaha. Gurnang walang kwenta! Ikaw lang ang natatanging mayordomang walang kwenta. Hoi, kumusta ang pagkabatugan mo diyan disyerto? Patawanin mo nga ako. Dali! Amishu Ciudz. Alam kong lovestruck ka ngayon. Salamat sa pag-update sa iyong mga birtwal na buhay. Ipagpatuloy mo. Wag ka lang masyadong pakalunod. Baka di ka makaahon. Missya Anay. I need your updates. Kayo, na alam kong hindi so-called friends. Ipagpatuloy ang pagkababoy. At bilang ideal housewife, tumbling ako. At sa inyong lahat na namimiss ako... Heh. Kala niyo lang miss niyo ako. Mahal niyo ako no! Di niyo lang maamin-amin. |
| Leave a Comment: |