Entry: tsinelas sa gitna ng nagsasalpukang kyeme Thursday, March 01, 2007



Malakas ang tunog ng mga tsinelas ko habang pababa ako ng subway sa Paseo sa Makati. Hindi naman siya kaboom-kaboom na tunog. Yung palak-palak lang.

Alas sais y medya na ng gabi at andaming mga tao na naglalakad, gustung-gusto nang umuwi. Mga alipin din silang tulad ko. Yun nga lang, sila nakapormal wear. Ako, nakatsinelas, tshirt at maruming pantalon.

At talagang tiningnan ko lahat ng mga suot nila. Siyet. Ako lang pala talaga ang nakatsinelas. Huwaw. Makati ito, Bebs. Hindi UP.

Por dat, dahil sa sobrang dami ng nagkukumpulang mga otaw na naghihintay ng masasakyang bus, pwes, naglakad ako. Belat niyong lahat. Nakatsinelas ata ako, kaya go.

Bago niyan, isang oras akong paikot-ikot ng Makati para hanapin ang Roadrunner sa Rada Street. Sa ilang libong beses na akong pabalik balik dun, hay naku, antanga ko pa rin papunta dun.

Mula sa malamig na bus, bumaba ako ng Paseo de Roxas. Tapos lumiko sa Dela Rosa. Grabe. Sobrang kompident ako nung lumiko ako. Yahoo, at last, di na'ko tatanga-tanga. Tapos naglakbay ako. Binagtas ang di masyadong kahabaang Dela Rosa.

Tapos, mukang di na pamilyar ang mga establisyementong naeencounter. Siyet. Asan na ang KFC???? Grabe.

Ayun. At pumaikot-ikot ako ng pumaikot-ikot hanggang nakikita ko na ang Greenbelt at bumalik uli sa Paseo de Roxas. Potangena lang.

Buti na lang katext ko sina Gavina at Boknat at Mortel at iba pa. Habang naglalakad, di masyadong halatang tanga ako.  Siyet. Ang heygard lang ng mga bagay bagay sa Makati bilang napakumplikado talaga ng mundo dun. Siyet ka Makati. Malusaw ka na. *sawnd epeks*

Sa gitna ng glamorosong Makati, hay, grabe lang ang pag-i-emo ng mga taong nakakatext ko ha.

At sa sarili kong mundo, nakow, malala pa. At dahil kelangan kong pumunta pa ng Roadrunner para ayusin ang dapat sanang wala nang problema sa master copy ng 'Twilight'.

Hay. Siyet.

Tonet! Magiging direktor tayo!!! Oo, nananalig ako.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments